Text 8 Apr

April 7. Ngayon umalis si Alison for Singapore practicum. *sad sad* 6 months siya dun. October na balik. IMY Ali. Sorry hindi man lang kita natagpo bago ka umalis (for some effing reasons). :(

///////

Sht. Ayoko ng ganitong feeling. Alam mo yung nasa bahay ka lang… walang ginagawa.. hindi umaalis.. sobrang tinatamad.. at nagpapakabatugan lang? At ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung pag nasimulan ko na maglaptop, hindi na ako makaalis. Stuck na ako dito buong araw (gaya ngayon). What a loser. Gahhhhddddd. Napakawasteful sa oras. Hindi productive!!

..Pero ganitong klaseng buhay ang matagal kong hinintay na dumating sa 6months ng 2nd sem ng pagiging third year ko. Everyday dati, iniisip ko na gusto ko lang magpakabatugan sa bahay. Oh well, ironic talaga at hindi nakukuntento ang tao. Sana may mangyaring makabuluhan sa buhay ko bukas.


Design crafted by Prashanth Kamalakanthan. Powered by Tumblr.